Monday, March 5, 2012

In Memoriam

Heads up to non-YFC UPLB readers, this is a mini project we're putting together for the family of Ray Penaranda, the UPLB student who was slain this week. You may want to take a pass in reading this as it is published here for now for the sole intention of providing space for a mini-eulogy. 





Dearest Tito German, Tita Flordeliza and Anna,


We hope this letter finds you at a better time.

We, the past and current members of Youth for Christ, UPLB are one in extending our deepest condolences for your family’s loss. Ray, for the time we spent with him in UPLB, was family to us, too. And in ways only God has the power and wisdom to make happen, we are now about to live the rest of our lives with the memory of a good son, brother, orgmate and friend.

We wish to express our support in seeking justice for him. We will be in touch with school and town authorities; we will be vigilant; we will pray and stand solid on the promise that we will not rest until justice and retribution are served to whom they are due. We may never ease the pain your family is going through at the moment, but please allow us to help in ways we know how.

Finally, we put some of our favorite memories of Ray together in the hope that, through our words, you might be able to see Ray in a new light… to know how the young man you raised was such a positive influence to us who were blessed enough to know him in his lifetime. We hope reading through the following pages would help you feel that we will dwell on Ray’s light, life and love that will surely live on.


We will keep Ray and your family in our prayers,
Signed: YFC-UPLB alumni and resident members

****

Frisbee po ang sport nya na shinare nya sa amin. Tahimik lang yan. Kahit pag inaasar lang namen, magsmile lang yan. ~Norbert

He never complained of his service (in YFC and to God).
He had given to YFC UPLB a talk (Repentance, Faith, Healing and Forgiveness) of YFC youth camp. Up until now, we still believe that he is one of the best people to give that talk. He lived his YFCUPLB in full conviction. ~Louie

Nakakatuwa siya, lalo na pag nagvivideoke. ~Kresyah

pinauso niya po yung 'may dumaang spaghetti' instead na may dumaang angel kapag po biglang tumatahimik. ~Lotus

Masipag po siya magchoir. Kahit 6am yung sched andun siya, walang reklamo. ~Sarah


Napakasipag rin po mag aral nyang si Ray. ~Khalil


Isang pagsaludo sa isang kapatid na nasa piling na ng Poong Maykapal. ~Bryan


Dear Ray,



I remember my YFC days as fulfilling and worthwhile. We always say "we are in the business of loving people". I believe in being a friend, brother, son and a servant of God are all part of this business. His BUSINESS. My heart cries for you bro...I’ve been there, done that and the memories are Great! Then this...God will give justice! 

But let's not grieve. Let God take away the anger and frustration. Let us your brothers and sisters celebrate your LIFE. God is powerful and All knowing. I know you’re with Him right now...Wish that I met you in this life time... But I’m sure I will meet you in the next. 

A tap in the back,(YFC greeting)a hug and a salute to you Ray. YFC till the END!
 Rest in peace brother.



Kuya Joseph





24 comments:

  1. Isang tunay na brod. sya yung maghahatid minsan sa mga sisses na wala na talaga maghahatid. tahimik pero kung makahirit e wagas. kabado lagi bago magtalk (hehe). sarap kalaro ng dota kasi lumalabas ang mga hirit nya. -Kuya JP

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayaw na ayaw niyang may malungkot, kaya kahit pilit nalang ang mga jokes at banat niya minsan, ginagawa parin niya para mapasaya ka. Hanep na brother, sobrang saludo ako sa kanya. ~Mark

      Delete
  2. Yey! More happy memories! :) Please spread the word to the kids para we all have a share in the memoriam wall! :)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Ray was one of the brads who approached us last anniversary. Bubbly and Sweet are the words to describe this man. I am glad that even for that night, I am able to talk to him. Say hello to God in heaven for us. Your YFC UPLB Family will miss you so much.

    To his family, may God grant us the will to forgive and move on. I know it's hard but i guess Ray will be much happier if he sees us happy.

    May justice be served!

    ReplyDelete
  5. siya yung taong makita mo palang, mapapangiti ka na agad, kasi kapag nakita mo siya, lagi siyang nakangiti. no dull moments with him.
    naalala ko yung huling palitan ng text message namin last wednesday. yun yung time na nalaman ko na delikado na ako sa isang subject.siya lang yung nagreply sa gm ko at sabi pa rin niya "kaya yan :) " tinanong nya pa kung major ba yun, nung sabihin kong hindi, natawa na lang siya :) he's a positive person.. :)

    --jajamie

    ReplyDelete
  6. si Ray? siya yung tipo ng tao na GO sa lahat ng bagay. ma'invite mong sumayaw, sasayaw yan. iinvite mong kumanta, kakanta yan. hiritan mo ng joke, marami yang nakareserbang jokes. sobrang maalaga sa partner. ayaw niya na madaming ginagawa ang partner niya. sobrang masayahin, masarap kasama at minsan mapapangiti ka nalang kasi lahat ng sinasabi niya positive. :) makikita mo sa kanya that he was raised by his parents well. wala kang mairereklamo sa taong to. simple at puno ng pangarap :) sabi nga nung isang sis namin, "HE IS THE BEST BROTHER ONE CAN EVER HAVE." :)

    Ray,

    kung nasan ka man, gusto ko lang sabihinna masaya akong nakilala kita. salamat sa lahat ng memories natin together. kahit konti lang yun, asahan mong ite-treasure ko yun. FOREVER :) alam kong masaya ka na dyan. isa kang inspirasyon sa aming lahat. :) The BEST ka brad! hanggang sa muli. Rest now in the arms of God. iloveyou kapatid. :)

    ~grasyaaa :)

    ReplyDelete
  7. Napakabait at napakagaling na brad ni Ray. Wala kang maririnig na hindi maganda mula sa kanya. Kahit nga minsan, napagsasbihan siya sa DoTA, aba eh tatawanan ka lang niya. Napakasipag din sa pag aaral at maging sa ibang bagay sa labas ng silid aralan Sabi nga niya, "Oo nga kuya Bobby, basta taga-Rizal, magagaling". Puno din ng kalokohan kahit matahimik lang. Ray, kapatid ko, eto lang masabi ko: DO RESERVE A SEAT FOR US, BROTHER. WE SHALL CONTINUE TO FIGHT. Darating din kami diyan, marami pa kaming ma-isasama. =D


    -Kuya Bobby/Jeremy

    ReplyDelete
  8. Thanks JP, Mark, Krystal, Jamie, Grasyaaa and Jeremy! Thank you for... and I'm not even sure why I'm saying thank you since these words are not for me. I guess it's just great to hear these things from people who know Ray. Than in itself is a blessing. :) Salamat sa pag-share!

    ReplyDelete
  9. nakita ko sa kanya si Kristo :) -Fem

    ReplyDelete
  10. Si Ray bayani yan. :)

    ReplyDelete
  11. Ray you're a "True Blue YFC"...even di na kita naabutan sa Elbi i had a chance na makilala ka naman ng minsan bumisita ako dun. Small world lang kasi ngayon ko lang nalaman na mother mo pala si Tita Flor, siya ay nakakasama ko sa mga trainings sa FITS-STARRDEC..I know you're already beside our Creator.We're so proud of you Brod, you're such a blessing and an inspiration for all of us..Hi mo na lang kami jan kay "Papa God":-)-Ate sherdz

    ReplyDelete
  12. Di ko po makakalimutan yung smile ni Kuya Ray at yung pagpapangiti nya sakin everytime na magkita kami. Tinuruan nya din po ako magfrisbee :)Kahit saglit ko lang po sya nakasama, malaki po yung naging impact nya sakin kasi napakapositive nya po na tao at humble. :))

    ReplyDelete
  13. Dahil panganay ako, siya ang isa sa mga itinuturing kong "kuya", isa sa mga pinakamabait na taong nakilala ko. "IDOL" sa lahat ng aspeto- sa kasimplehan,ACADS, humility, outlook sa buhay at higit sa lahat, sa pagseserve kay LORD....Maswerte ako na nakakilala ako ng "kuyang" tulad niya na walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng iba, lalo na ng mga BRODS and SIS niya:), Mamimiss kita KUYA RAY.......

    ReplyDelete
  14. Si PapaRay yung tipo ng brod na kahit hindi kayo close, kakausapin ka n'ya para ma-feel mo na hindi ka out of place sa general assembly.. kakamustahin ka n'ya kung di ka n'ya lagi nakikita.. kapag nakasalubong mo s'ya sa campus, kahit nasa jeep ka pa at nakita ka n'ya, babatiin ka n'ya ng ngiti.. nakakatuwa dahil ginulat n'ya kami sa galing n'ya sa pag-sasayaw at pag-rap.. walang sawang ginawa ang lahat ng kaya n'ya para sa pag-aaral, pagtulong sa kahit sino, at higit sa lahat ang mag-serve kay God.. Maraming salamat sa'yo PapaRay.. di ka namin makakalimutan.. mahal ka naming lahat at ma-mimiss.. <3

    ~Marielle :)

    ReplyDelete
  15. ang talino po ni kuya Ray, real gentleman, at higit sa lahat napakahumble.. sayang lang at hindi ko sya nakasama ng mas matagal, pero thankful pa'rin ako at once in my life, nameet ko ang ganung klaseng tao, almost perfect. :')

    ~csee

    ReplyDelete
  16. isa siya sa mga rason kung bakit hindi ko sinusukuan ung mga ginagawa ko sa service, yung mga taong nakapaligid sa akin. and reminder siya sa aming lahat na masaya ang buhay, na masarap ngumiti. maraming maraming salamat kapatid. :) -khalil

    ReplyDelete
  17. I am in awe of how much Ray is loved and looked up to. He's an amazing peron, I can tell now! But you know what guys... and please indulge me in this since I'm your ate... I think you're pretty amazing too! They say friends are a little bit of each other. I therefore conclude, Ray are all these things because you are all these to him too. :)

    ReplyDelete
  18. "valedictorian na bongga ang 'social life' :D"

    that's the first thing that comes to my mind kapag naaalala ko si ray. part kasi yan ng sharing nya nung first time nyang magshare sa isang GA. but ray, as a brother, is beyond that notion. tahimik pero masayahin, maaasahang brod at tunay na YFC. (isa ka nga sa masisipag mag-gm sa kapatid ko about yfc)

    ray, naalala ko pa nung youth camp na pareho tayong speakers, kabang-kaba ka nun. but i know, naging isang magandang experience un para sa'yo. nakakatuwa, as a sister, to see you grow in service. pero, nakakalungkot na that's the last chance na makikita kita.

    ray, kapatid, i know you're at peace. kasama mo na si Lord. malungkot man kami ngayon, masaya pa rin kami dahil nakilala ka namin. at mas masaya kami, na kahit sa maiksing panahon, you touched and changed our lives and the lives of others. maraming salamat ray.

    -ate krissa

    ReplyDelete
  19. Natatandaan ko ung youth camp ko. Napakasaya ko na sya ang naging faci ko. :)

    Everytime na tahimik lang ako, lagi nya akong tinatanong kung ok lang ako. Talagang sobrang caring ni Papa Ray sa mga tao sa paligid nya. Laging masaya ang GA pag nandun sya, punong puno ng banat at jokes na nakakatuwa kasi si Papa Ray ang nagsasabi. Hindi ko malilimutan ang huling GA na kasama ko sya, ung time na kagulo kami dahil sa kantang hindi masyadong familiar sa amin, un ung time na tawa na lang kami ng tawa pagkatapos nun. :))

    Papa Ray/Daddy-ninong/Ninong!, alam ko na kasama mo na Sya dyan sa taas. Kahit ganun, hinding hindi kita malilimutan. Ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon sa YFC. Thank You.

    -ang iyong anak/inaanak, Neil.

    ReplyDelete
  20. Si Ray, yan ang Super Partner ko. :D

    S'ya yung tipo ng partner na gagawin lahat ng parte n'ya sa mga gawain at kahit higit pa dun. Laging s'yang andyan para bumili ng mga bagay-bagay, at mag-abono kahit alam n'yang malabo na s'yang mabayaran. XD

    Lagi s'yang on time sa lahat ng meetings. Magaling s'ya mag-manage ng time. Okay ang acads, okay ang social life. Pag nagpasama ka sa kanya, kahit saan pa yan, kahit anong oras, sasamahan ka n'ya, kahit wala nang kaugnayan sa service. Susunduin ka kung nasan ka at ihahatid ka pagkatapos. :)))

    Sobrang praktikal n'yang tao. Di s'ya mahilig mamroblema, at parang sobrang simple lang ng lahat para sa kanya. Nakakahawa tuloy. :) Positive lang din lagi ang tingin n'ya sa buhay. Once ko lang s'ya naringgan ng pagkainis. Pero 'yung pagkainis n'ya ay dahil sa mga taong mali ang ginagawa sa buhay.

    Kapag binibigyan n'ya ko ng letter, either pina-require lang o pag pinilit ko lang s'ya, bongga pa din yung content. Siguradong iyak-tawa ka sa mga sinulat n'ya. :'D

    Never s'yang nag-break sa usapan. Pipilitin at pipilitin n'yang tumupad kahit ano pa ang mangyari.

    Kapag sa tingin ng mga tao, hindi na posible ang isang bagay, sasabihin lang n'ya, "Kaya 'yan."

    Pag nagtampo ka sa kanya kahit joke time lang, susuyuin at susuyuin ka n'ya, at sasabihing, "Konti na lang iiyak na ko. :("

    ---Kahit pa ilang taon lang tayo nagkakilala, kulang ang lahat ng'to para i-describe ka, SP. Sabi mo sa'kin, "Malayo yun." at "Wag na tayo mag-unahan, matatalo lang kita." Nagpunta ka na nga sa malayong lugar. Di ka man lang nagpaalam, at eto nga, nauna ka na naman.

    But still, you'll be forever in my heart, buhay na buhay at masaya. Salamat, SP. :)

    ReplyDelete
  21. Siya yung madalas mag approach skin pag mag isa ako, lagi nyang sasabihin, "Hi Apel" tapos ngingiti. Mapapangiti na din ako. Sobrang natatawa ako sa mga jokes nya, corny man o hindi.
    Salamat ng marami sa pag touch ng buhay ko Ray. Mamimiss kita :))

    -apel

    ReplyDelete
  22. si Ray, simpleng tao, busilak ang puso. matalino, mapagmahal sa pamilya, pala-kaibigan, masipag. isa sa mga una kong kaibigan sa yfc. laging unang mag-approach, laging handang umunawa. sweetest at most sincere na taong nakilala ko.hindi siya madamot magbigay ng compliments, like maganda ka, ang ganda mo naman, hindi rin siya nahihiyang magsabing miss ka na niya, at ng labyu. protective din siya, kahit pa siguro matagal ka ng nakapagkwento sa kanya na naloko ka dati ganyan, paalalahanan ka pa din niyang mag-ingat kapag may pagkakataon. wala siyang anumang mask. kung anong nakikita mo yon xa, kung anong sabihin niya galing yon sa puso niya, walang halong pretentions. kung naiiyak siya, iiyak siya, kung tatawa, tatawa. lagi niyang nakikita ang mga bagay-bagay in a positive way. kahit pa may mali ka ng nagawa, napakadali lang sa kanyang sabihin na, "wag mo na i-degrade ang sarili mo, gawin mo na lang kung ano yong mabuti." tapos, sa isang iglap, okay ka na, kaya mo ng magpatuloy at gawin ang tama. wala siyang nakakaaway, kung magtampo ka man sa kanya, anjan siya para manuyo, at bumawi ng walang katapusan. handa siyang tumulong hanggat kaya niya, handa niyang gawin yong mga tasks niya, hindi ka mapapagod kapag partner mo siya. wala siyang reklamo o anumang arte sa katawan, kahit pa punuin mo ng stuff toy ang t-shirt niya, okay lang, magpapaalam pa yon kung pwede na ba niyang tanggalin. humble at generous, san ka pa. kwela rin yang si ray, laging gustong masaya lang, laging handang magpatawa. napakagaan ng buhay para sa kanya, napakasaya, at lahat, bawat minuto, worthwhile.

    sorry ray, kung nahiligan ko na atang magtampo sayo, binura ko pa number mo, pero tinitext mo pa din ako. kapag nagreply akong "who you?" sasabihin mo lang, "zaido" tatanungin kita, "zaido blue?" sasabihin mo, "hindi, zaido tangerine" tas wala, talo na ko, bati na tayo. -yan si ray, gusto niya lang, masaya. dahil para sa kanya, "masaya ang buhay."

    tampo ulit ako, umalis ka kasi agad, pero alam ko namang masaya ka na, kahit mahirap, kakayanin namin, at pananatilihin ka naming buhay sa aming mga puso, at sa aming mga gawa. magiging ray na kaming lahat, hehe. lagi kitang maaalala at mamimiss katoto.

    -zaido pink

    ReplyDelete
  23. si ray, never nya akong binully dahil sa height ko :) (salamat ray)
    siya yung pinakaunang brod na kumausap sakin after ng camp...hindi nya ako tinatawag na "ate" kahit mas matanda ako sa kanya kaya nagulat ako nung bigla nya akong tinext ng "ate je, may idea ka ba sa synthesis of aspirin? pahiram naman ng lab report"...:)
    Masaya ako na nakilala ko ang isang tulad ni Ray. Isang taong simple, matalino, super bait, maalaga,may mahabang pasensya, masayahin at parang walang problema sa buhay...

    Sana masaya ka na sa heaven ngayon. Buti ka pa wala ng lab report na gagawin :) Thank you for being an ideal brother. Mamimiss ka naming lahat :))

    -je

    ReplyDelete